Ang Mabait na Batang si Kaon at ang Kapangyarihan ng Gulay

Ang Mabait na Batang si Kaon at ang Kapangyarihan ng Gulay

Sa Bayan ng Kawit, may isang batang lalaki na nagngangalang Kaon. Mahilig siya magtanim ng mga gulay at prutas kasama ang kanyang Nanay. Isang umaga, maaga siyang nagising para maghanda ng kanyang baon sa paaralan. “Anak, narito na ang iyong baon na pagkain,” sabi ng kanyang Nanay. “Salamat po, Nanay,” sabi ni Kaon. Nang oras na ng tanghalian, binuksan ni Kaon ang kanyang baon. Naamoy ng lahat ang kanyang baon na ginisang kalabasa. “Ang baho naman niyan!” sabi ni Kardo. “Don ka sa labas kumain,” sabi naman ni Karen. Nalungkot si Kaon kaya lumabas na lamang siya at doon kumain mag-isa. Nagkayayaan ang kanyang mga kaklase na maglaro habang naghihintay na mag umpisa ang kanilang klase. Nadapa si Kardo habang naghahabulan kasama ng ibang bata. Siya ay pinagtawananan habang si Kaon ay lumapit para tulungan si Kardo.
Ang Mabait na Batang si Kaon at ang Kapangyarihan ng Gulay
Ngunit hindi nagpasalamat si Kardo kay Kaon at nandiri pa ito dahil amoy gulay si Kaon. Nalungkot si Kaon sa nangyari kaya kinausap niya ang kanyang Nanay kung maari nilang ipagluto ng gulay ang kanyang mga kaklase. Dinala nila ang lutong gulay sa bahay nina Kardo at Karen at humingi sila ng paumanhin kay Kaon. Nangako sina Kardo at Karen na hindi na nila pandidirihan ang baon ni Kaon at kakainin nila ang gulay para maging malakas at hindi maging sakitin. Sa huli, natutunan ng lahat na mahalaga ang pagkain ng gulay at prutas para maging malusog at malakas. Ang pagiging mabait at pagpapatawad ay mahalaga rin.

The End